Alcano "THE VOLCANO" Tops the World Pool Championship
hindi ko natutukan ang buong coverage ng prestihiyosong palarong ito ng billiard ang "WORLD POOL CHAMPIONSHIP" kasi naman ang agang nawala sa kompetisyon ng mga Pool Grandmasters natin.. elimination pa lang natalo agad ang mga top players.... tapos sa natirang mga filipino players ay iilan lang ang nakita kong mga matunog na manlalaro... karamihan pa sa kanila ay nauna nang minalas o hindi agad nagkaroon ng magandang start.. pero nagkamali ako ng pagtingin sa kanila.. isa pa sa mga ito ang nag-uwi ng tropeo..
RONNIE "THE VOLCANO" ALCANO
hehe.. si RONNIE "The Volcano" ALCANO na tubong Calamba Laguna ang nakapagtaas ulit ng parangal sa ating bansa. taas noo nyang tinalo ang kalabang aleman na si Ralf Souquet sa puntong 17-11. hindi agad agad na kinakitaan ng pag-kakapeonato itong si Alcano dahil naging "underdog" sya sa simula pa lang ng kompetisyon ngunit nang huling laban ay ipinakita nya ang kanyang gilas at husay sa billiard dahil ang aleman nyang kalaban ang nagmistulang humahabol na aso sa score na iniwan nya agad .. ang detalye ng buong laban ay mamabasa dito....